Friday, January 8, 2010

What the....

looking at my files on my external hard disk, i saw a word file entitled: Dear Daddy and Mommy. it goes something like this:

Dear Daddy and Mommy,

Naaalala nyo ba yung mga panahong gusto ko kayong kausapin tungkol sa pagpasok ko sa seminaryo? Yung minsang habang nagtatanghalian tayong pamilya isang Sunday ay napansin nyong matamlay ako. Yun yung mga panahong natatakot ako dahil hindi ko alam kung paano sasabihing kailangan ko kayong iwan, yung mga panahong iniisip ko kung paano na lilipas ang bawat Sunday Lunch na hindi ko kayo kasalo.

Nung tinawag nyo ang pansin ko nung mga sandaling yun at tinanong ako kung ano ang problema, hindi ko napigilang umiyak sa harap ninyo habang nagpapaalam, “Mommy, Daddy, papasok na po ako sa seminaryo.”

Tumigil ang oras. Tila, sumama na sa mga luha ko ang takot, sakit, at pag-aalala sa magiging reaction ninyo.

At nang matapos kong sabihin ang lahat, hindi ko inaasahan ang mga nakita ko. Habang nakatingin kayo sa akin, walang kibo na tila nangungusap ang mga mata, binigyan nyo ako ng dalawang matatamis na ngiti.

Nang Makita ko ang mga ngiting yun, alam kong pumayag kayo, at nasa mga ngiiting yun ang pagtitiwala at suportang kaylangan ko sa pagsagot sa panawagan ng Diyos. Sa totoo lang dama ko nun na ako na yata ang pinakamasayang anak sa mundo.


Salamat.


para sa mga gustong pumasok sa seminaryo, basahin nyo ito.


No comments: